Pangulong Duterte, nagtalaga na ng bagong Cabinet secretary

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) party Sec. Gen. at President CEO ng National Transmission Corporation Atty. Melvin Matibag bilang Cabinet secretary.

Pinalitan ni Matibag si Sec. Karlo Alexei Nograles na ngayon ay pinuno na ng Civil Service Commission.

Nanumpa si Matibag kay Executive Sec. Salvador Medialdea kanina.


Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Duterte si Anderson Lo bilang bagong Deputy Ombudsman for Mindanao.

Si Lo ay galing sa Office of the President bilang undersecretary ng Presidential Management Staff (PMS).

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office o PCOO Sec. Martin Andanar hangad ng Palasyo ang tagumpay ni Lo sa kaniyang bagong pwesto at nangakong susuportahan ng Ehekutibo si Lo sa layunin ng Ombudsman para sa good governance sa public sector.



Facebook Comments