PCG, mananatiling naka-alerto kahit tapos na ang Semana Santa

47

Nananatiling naka-alerto ang Philippine Coast Guard (PCG) kahit na tapos na ang Semana Santa.

Ayon sa PCG, marami pa rin kasing mga bumibiyaheng mga turista patungo sa mga lalawigan para magbakasyon.

Mananatiling naka-alerto ang Coast Guard sa buong summer season hanggang sa May 21,2022


Pinapayuhan naman ng Philippine Coast Guard ang mga bakasyunista na alamin muna ang sea travel protocols bago sila bumiyahe.

Maaari anilang makipag-ugnayan sa kanila o ‘di kaya ay bisitahin ang kanilang Facebook page.

Facebook Comments