Manila, Philippines – Aminado si Senator Panfilo Ping Lacson na alanging makalusot sa Senado ang panukalang ibalik ang parusang bitay kahit pa iniapela ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address.
Bilang isa sa mga may akda ay kaisa si Lacson sa mga dahilan ni Pangulong Duterte kung bakit dapat maipasa ang reimposition ng death penalty.
Pero ayon kay Lacson, marami sa mga Senador ang tumututol sa parusang kamatayan.
Pangunahin dito si Senator Richard Gordon na Chairman ng committee on justice na dumidinig sa panukala.
Diin ni Gordon, hindi bitay ang tutugon sa problema sa kriminalidad kundi ang pagreporma sa penology system at justice system ng bansa.
Ang senate Minority Bloc, tiniyak din na haharangin ang panukalang ipatupad muli ang parusang bitay.
Sa tingin ni Senator Drilon, kahit magsumikap ang majority bloc ay walang sapat na bilang para ito ay maipasa.