
Hindi ikinatuwa ni Senator Imee Marcos ang desisyon ni Senate President Chiz Escudero na late ipa-contempt at ipakulong si Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao.
Ayon kay Sen. Marcos, Chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, sa halip kasi na ipakulong agad matapos ang pagdinig noong Abril 10 tulad sa naunang mosyon ng komite ay inabot pa ng 11 araw bago iniutos ang pagpapakulong sa kinatawan ng Interpol sa bansa.
Sinita rin ng mambabatas na walang nakalagay sa rules na kailangan munang isyuhan ng show cause order ang sinumang ipina-cite in contempt.
Naikumpara din ito ni Sen. Marcos sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na agad inaresto at dinala sa ibang bansa.
Dagdag pa ng senadora, maituturing ito na “insult to injury” dahil dalawang araw lang ikukulong si Lacanilao gayong ang mga ordinaryong tao ay ikinukulong nang matagal sa Senado hangga’t hindi nila nalilinis ang sarili mula sa pagkaka-contempt.