China, bumwelta sa isinasagawang Balikatan 2025 Excercise ng US at Pilipinas

Nagbigay ng maiksing tugon ang foreign ministry ng China sa unang araw ng isinasagawang Balikatan 2025 exercise ng US at Pilipinas.

Sinabi ni Spokesperson Guo Jiakun, dahil sa pagpili ng Pilipinas na makipagsanib pwersa sa US sa pamamagitan ng Balikatan, ay kinukumpromiso nito ang strategic stability ng mga bansa sa rehiyon, pati na rin ang economic prospects.

Ayon kay Jiakun ang mga bansa sa rehiyong ito ay nagkakaisa laban sa pandaigdigang unitalirism, protectionism at bullying at pinapanatili nang mga bansa sa rehiyon na maging stable sa mga hamong ito.

Dagdag pa ni Jiakun na kabaligtaran ito ng pagpili ng Pilipinas sa Balikatan 2025 large-scale excersise, na mariing tinutulan ng mga bansa sa rehiyon.

Facebook Comments