Tuwing may okasyon, hindi nawawala ang bida sa handaan – ang lechon.
At dahil ilang araw na lang bago ang pasko, patuloy pa rin sa pagtaas ang demand ng mga produktong lechon baboy sa Dagupan City.
Ayon kay Luis Tamayo, owner ng Babalicious Lechon, maraming orders ng lechon ang bumungad sa kanila ngayong Disyembre.
Ang presyo naman, inaasahan na tataas sa ikatlong linggo ng buwan dahil na rin umano sa mas mataas na demand.
Ang presyo mula 9,000-19,000 posibleng madagdagan ng tig-isang libo mula pasko hanggang new year.
Siniguro naman ni Tamayo, na mas matatag ang suplay ng baboy ngayong taon gayundin ang kalidad ng kanilang produkto.
Ngayong kabilaan ang handaan, tandaan na hindi kailangang ubusin ang lahat ng nasa hapag kainan.
Paalala ng awtoridad, ingatan ang kalusugan at kumain nang hindi maapektuhan nang husto ang kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









