DENR-ARMM Vehicle inambush dalawa patay isa sugatan

Dalawa ang patay habang isa naman ang sugatan matapos na tambangan ng riding in tandem criminals ang service vehicle ng DENR-ARMM na isang D4D Van sa don ramon rabago extension tapat ng DPWH-12 Office dakong 3:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ang nasawi nasi Abdul Gani Quituar Guiama 38 anyos, driver ng van na residente ng tamontaka 1 na dead on arrival sa CRMC, Pablo Amador na binawian ng buhay sa pagamutan habang sugatan si Manuel Capin 53 anyos na residente ng ORC Compound.

Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng city PNP, sinabi ni Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio, paakyat na umano ang mga biktima na sakay ng puting van ng barilin ng riding in tandem na sakay na kulay pulang honda XRM at unang pinagbabaril ang driver at sinunud na pinaputukan ang dalawang sakay pasa loob.
Matapos ang insedente ay mabilis namang tumakas ang mga suspect habang kaagad namang nagresponde ang mga elemento ng PP2 na hindi lamang kalayuan sa crime scene at isinugod ang mga biktima sa pagamutan….Holdap ang nakikitang motibo ng kapulisan makaraang hindi matangay ang dalang cash sa loob ng van na 850,000 pesos.



Facebook Comments