Umaasa ang Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region 1, na itutuloy ng bagong administrasyon ang waste-to-worth o waste-to-energy facility para sa pagpapa-ayos ng basura ng Dagupan City.
Ayon kay EMB Regional Director, Engr. Maria Dorica Naz-Hipe, nakipag-ugnayan na ang nanalong Alkalde sa kanilang kagawaran para sa solid waste management ng lungsod.
Aniya, patuloy pa ring sumasailalim sa rehabilitation ang Dagupan City dumpsite at nagpapatuloy ang pagdadala ng mga basura sa Clark City Landfill.
Iginiit naman ng Opisyal na compliant ang lungsod sa solid waste management dahil ito ay may material recovery facility at residual containment area.
Matatandaan na sa nakalipas na administrasyon ninanais na mai-convert sa enerhiya ang mga basura sa pamamagitan ng Waste to Energy Project ng administrasyon na nabigyan narin noon ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ng DENR-EMB Regional Office 1. | ifmnews

Facebook Comments