Mga Pinoy, malaya pa ring makapangisda sa kabila ng fishing ban ng China sa South China Sea – PCG

78

Malaya pa ring makakapangisda ang mga pinoy sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas.

Ito ang iginiit ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kabila ng pagpapatupad ng China ng fishing ban sa malaking bahagi ng South China sea kung saan saklaw din ang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal na nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, dahil dito ay patuloy nilang hinihikayat ang mga kababayan natin na ipagpatuloy ang pangingisda.


Tiniyak naman ni BFAR Undersecretary Eduardo Gongona na mayroong mga tauhan ng coast guard na nagpapatrolya sa ating mga karagatang nasasakupan at nasa open fishing season pa rin naman ang Pilipinas.

Samantala, sinabi ng security analyst na si Prof. Rommel Banlaoi na hindi dapat kilalanin ng Pilipinas ang fishing ban ng China.

Una nang naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs kaugnay sa pagbabawal ng China na mangisda sa South China Sea.



Facebook Comments