DENR, pinaghahanda na ang lahat ng field offices laban sa forest fires

Inalerto ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng field offices nito dahil sa posibleng pagkakaroon ng forest fires sa kanilang nasasakupang lugar dulot ng epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

Pinagsusumite din ni Cimatu ang lahat ng executive directors ng 16 na DENR regional offices para sa region-wide assessment at updating ng kanilang forest protection plans upang maagapan ang tagtuyot na dulot ng El Niño na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng wild fires.

Nais ng kalihim na bigyan ng prayoridad ng mga field officials ang mga lugar sa loob ng protected areas at ang mga nabigyan ng rehabilitasyon sa ilalim ng Enhanced National Greening Program .


Pinakilos na rin ng ahensya ang mga fire brigades ng ENGP sites kung saan ay gagamitin ang 3,350 regular forest guards na tutulong sa mga emergency workers na nabigyan ng trabaho dahil sa programa.

Una nang isinaayos ng DENR ang kanilang abilidad sa forest fire fighting sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagong kagamitan tulad ng fuel-powered grass cutter, collapsible fire pump, fire swatters, pick and scrape shovels, axes, rake hoes, fire helmets, heat resistant goggles, brush masks at thermal working globes.
Sinundan ito ng administrative order ni Cimatu upang gumamit ng makabagong technolohiya para sa forest and biodiversity protection sa pamamagitan ng paggamit ng digital technology-based forest monitoring system na tinawag na “Lawin Forest and Biodiversity System”.

Facebook Comments