Department of Agriculture, humingi ng dagdag na P100 milyon assistance para sa mga apektado ng avian flu virus

Manila, Philippines – Humingi ng dagdag na P100 milyon budget ang Department of Agriculture kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny PiƱol, tatlong buwang hindi pwedeng bumalik sa poultry raisin ang mga naapektuhan ng avian flu sa San Luis, Pampanga at sa Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija.

Humingi naman ng a panahon ang pangulo para makahanap ng dagdag na pondo.


Aniya, tatanungin niya kung may pondong pwedeng makuha mula sa PAGCOR.

Kahapon nang ipamahagi ng pangulo ang P29 na million paunang tulong sa mga poultry farmers.

Ito ay bahagi ng kabuuang P43.31 million na ipagkakaloob ng DA.

Facebook Comments