Naniniwala ang Department of Education (DepEd) na malaking hamon ang COVID-19 pandemic sa mga guro at estudyante, pero hindi ito dahilan para tumigil sila sa pag-aaral.
Ayon kay DepEd National Union President Atty. Domingo Alidon, bilang pagtugon sa naturang hamon, ang Department of Education sa pamamagitan ng suporta ng iba’t ibang education stakeholders, ay nag – conceptualized ng Basic Education-Learning Continuity Plan kung saan sinasanay ang mga guro sa pamamagitan ng pagsasagawa ng webminars o online orientation and training upang makabisado ang iba’t ibang modalities ng pagdedeliver ng kaalaman sa ilalim ng naturang plano.
Naniniwala ang DepEd National Employee’s Union na hindi hadlang ang pandemic sa pag-aaral ng mga estudyante.
Giit ni Atty. Alidon, ang DepEd NEU sa pamamagitan ng mga members nationwide ay nagpaabot ng tulong gaya ng pamamahagi ng mga printed materials sa mga barangay at tahanan ng mga mag-aaral at suportado naman ito ng iba’t ibang stakeholders na tumugon din sa kanilang panawagan na tumulong bilang hamon sa tinatawag nilang “new normal” para sa edukasyon ng mga kabataan.