Department of Human Settlements and Urban Development, binuo na ng Malacañang

Manila, Philippines – Isinabatas n ani Pangulong Rodirgo Duterte ang pagbuo sa Department of Human Settlements and Urban Development.

Ito ang nakasaad sa nilagdaan ni Pangulong Duterte na Republic Act Number 11201 na naglalayong mabigyan ng ligtas, makatao, saistainable at resilient na pabahay sa murang halaga ang mga mahihirap nating kababayan na nakasaad sa Article 9 section 13 ng 1987 constitution.

Batay sa Section 4 ng bagong batas, ang Department of Human Settlements and Urban Development ay ang pinagisang puwersa ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC at ng Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB.


Ang nasabing departamento ang siyang bubuo ng national housing and urban development policies, strategies, at standards alinsunod narin sa Philippine Development Plan na nagsusulong ng social at economic welfare ng bansa sa tulong ng lokal na pamahalan, mga stakeholders at iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Ito din ang magsasagawa ng tuloy-tuloy na pagaaral sa larangan ng housing and urban development at pagtatatag ng framework para sa resilient housing and human settlements para maging handa sa kalamidad.

Facebook Comments