Department order ng DepEd sa pagsasagawa ng face-to-face classes, naamyendahan na

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na naglabas na sila ng bagong department order.

Kaugnay ito sa full implementation ng face-to-face classes sa mga paaralan sa buong bansa.

Base sa inilabas na DepEd Order No. 50 na pirmado ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio, nakasaad na ang mga pampublikong paaralan na hindi makasusunod sa limang araw na face-to-face classes ay dapat magsumite ng kahilingan na aaprubahan ng regional director.


Kasama sa mga paaralan na pwedeng magsumite ng request ay ang mga napinsala ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol, ginamit na evacuation center, may kakulangan sa mga guro at silid-aralan, at nasa lugar kung saan may umiiral na gulo.

Gayunman, hindi ibig sabihin na hindi nila kaya ang limang araw na in-person classes ay magsususpindi na sila ng klase dahil kahit nasa mahirap na sitwasyon ang paaralan ay pwede namang magpatupad ng blended learning ayon sa DepEd.

Facebook Comments