Mega Job Fair ng San Jose del Monte Bulacan Municipal Government, umarangkada na

Umarangakda na ngayong araw ang Mega Job Fair ng San Jose del Monte Bulacan Municipal Government at ang kanilang Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Ayon kay PESO Manager Perfecto Tagalog, nagsimula ang Mega Job Jair kaninang alas-8:00 ng umaga at magtatapos hanggang alas-3:00 ng hapon sa Walter Supermarket sa Altaraza Spine Road Quirino Highway Barangay Tungko Mangga, San Jose del Monte, Bulacan.

Aniya, mahigit 25 kompanya at higit 2,000 iba’t ibang klaseng trabaho ang alok sa nasabing job fair.


Kabilang dito ang bartender, dining staff, sales clerk, service crew, technician, nurse, beauty consultant, warehouse staff, encoder, at marami pang iba.

Bukas naman ito hindi lamang sa San Jose del Monte Bulacan kundi maging sa mga aplikante mula sa karatig-lalawigan.

Pinayuhan ni Tagalog ang mga aplikante na magdala ng maraming mga resume at ballpen.

Ang DZXL Radyo Trabaho ay aktibong katuwang ng San Jose del Monte Bulacan PESO sa kanilang mga programa at proyekto.

Facebook Comments