Bumuo ang Department of Education (DepEd) ng National Task Force na magsusuri sa pagpapatupad ng senior high school (SHS) program.
Batay sa memorandum na nilagdaan ni DepEd Undersecretary Gina Gonong, nilikha aniya ang task force upang tugunan ang mga umuusbong na hamon sa pagpapatupad ng senior high school program sa DepEd at non-DepEd schools.
Ang naturang Task Force ay magsusumite ng reports ng mga accomplishments at output nito kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pamamagitan ng Undersecretaries of the Curriculum at Teaching and Operation Strands bago ang Mayo 12, 2024.
Kabilang sa mga responsibilidad ng task force ay repasuhin ang mga kasalukuyang patakaran ng programa upang matiyak ang consistency, responsiveness, at relevance sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholder, at palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor at iba’t ibang industriya sa national at regional level upang mapabuti ang senior high school employability.