PBBM, sinaksihan ang ceremonial signing ng renewal agreement ng Malampaya Service Contract sa Malacañang

Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ceremonial signing ng renewal agreement ng Malampaya Service Contract na una nang naiulat na mapapaso ang concession sa susunod na taon.

Alas-9:00 ngayong umaga nang isagawa ang ceremonial signing.

Ang Malampaya gas field ang siyang nagsu-supply ng 20% na power requirements ng Pilipinas.


Ayon sa Department of Energy (DOE), nasa limang power plants na may kumbinasyong capacity ng 3,453 megawatts ang kasalukuyang sinusuplay ng Malampaya.

Ang aktibidad ay dinaluhan nang ilang miyembro ng gabinete kabilang na si Energy Secretary Rafael Lotillla.

Facebook Comments