DepEd, bumuo ng team na mag-iimbestiga sa pagkakapatay sa isa nilang opisyal sa Negros Oriental

Manila, Philippines – Bumuo na ang Department of Education ng fact finding task force kaugnay sa pagpatay sa isa nilang opisyal sa Negros Oriental.

Base sa report ng pulisya, Myerkules ng tanghali, Aug 13 nang tambangan ng 2 di pa nakikilalang suspek ang biktimang si Oscar SolaƱo Asindo Jr sa labas ng Guihulngan South Central School.

Si Asindo ay administrative officer 3 ng DepEd division office ng nabanggit na lalawigan.


Mariin namang kinukundena ng DepEd ang anumang uri ng karahasan lalo na kung magiging banta ito sa buhay ng mga guro na malaki ang papel sa mga paaralan.

Kasabay nito nananawagan din ang DepEd sa mga local officials at mga law enforcement agencies na mabigyan ng mabilis na hustisya ang nangyaring pagpatay sa kanilang opisyal.

Facebook Comments