DepEd Secretary Briones, binisita ang mga Guro sa Ilocos Norte upang isulong ang EduKalidad

iFM Laoag – Ibinahagi ni DepEd Secretary Leonor Briones ang iba’t-ibang plano ng gobyerno para sa ikabubuti ng edukasyon sa bansa sa kanyang pagbisita sa Lungsod ng Laoag, Lalawigan ng Ilocos Norte.

Iginiit nito ang pagbibigay ng sapat na access sa pangunahing edukasyon dahil ito ay priyoridad ng gobyerno. Ayun sa kalihim, binuo ng kanyang grupo sa tulong ni Direktor Jun Arvin Gudoy ang Sulong EduKalidad o ang pagpapalakas at pagsasaayos sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ibinahi din niya ang mga nagawa ng DepEd sa kanyang pamumuno gaya na lamang ng pagkilala bilang may pinakamataas na rating ng pag-apruba sa mga linya ng mga ahensya ng ehekutibo, bilang isang Kagawaran sa ilalim ng kasalukuyang termino.


Nagpapaalala din ito sa mga guro, na kung may mga problema tungkol sa DepEd ay mangyaring lumapit ito mismo sa tanggapan niya at hindi sa social media gaya na lamang ng Facebook na nagdudulot ng kapahamakan hindi lamang sa mga namumuno kung hindi pati narin sa mga batang estudyante na nakakabasa dito. Nagpatawa naman ito at sinabing, siya ay hindi sinungaling at lalong hindi tililing.

Dinaluhan ang pagtitipon ng mga iba’t-ibang schools division superintendent mula sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan at La Union. Naging host sa nasabing pagbisita ang DepEd Laoag City sa pamuamuno ni Schools Division Superintendent Mrs. Vilma Eda. (Bernard Ver, RMN News)

Facebook Comments