
Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagtanggap sa Overseas Filipino Worker (OFW) teachers na napilitang umuwi ng Pilipinas sa gitna nagpapatuloy na krisis sa Middle East.
Ayon sa DepEd, makakatulong ang reintegration program sa mga Pilipinong guro mula Gitnang Silangan sa harap na rin ng kakulangan sa mga guro sa Pilipinas.
Maliban sa trabaho, nagbukas din ang DepEd ng on-site registration para sa Accreditation and Equivalency (A&E) tests para sa mga OFW na nais magpatuloy ng pag-aaral o pagsasanay para sa mas magandang oportunidad sa trabaho, gayundin ang Philippine Educational Placement Test (PEPT) para sa kanilang mga anak.
Nagbigay rin ang DepEd ng access sa Senior High School Voucher Program para sa mga kwalipikadong dependents ng OFWs.
Mayroon ding inihandang incentive packages para sa mga nagbabalik na OFW na nais mag-review para sa licensure exam ng mga guro.










