DepEd, suportado ang panukalang mandatory ROTC

Suportado ng Department of Education (DepEd) sa isinusulong na mandatory Reserved Officers Training Corps o ROTC sa senior high school students.

Kasunod ito ng pagpasa ng panukala sa pinal na pagbasa sa Kamara.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones – handa silang ipatupad ito pero depende pa rin ito sa Kongreso.


Sa ngayon, hinihintay na umusad ang bersyon nito sa Senado na nasa committee level pa lamang.

Sakaling maipatupad ang mandatory ROTC bago ang pagbubukas ng klase, hindi ito maipapatupad agad sa lahat ng paaralan.

Mayroon dapat two-year pilot implementation sa 100 paaralan.

Facebook Comments