Kalibo, Aklan— Aabot sa 28 na mga depektibong timbangan ang kinumpiska ng Joint Inspection Team sa Kalibo Public Market.
Ayon kay Ms. Carmen Ituralde ng Department of Trade and Industry o DTI-Aklan na naging kasama nila ang Kalibo Consumers Association at LGU sa pag inspeksyon sa 158 stalls, kung saan nakumpiska ang mga timbangan.
Hindi umano ito nakacalibrate dahilan na kulang ang timbang.
Karamihan dito ay mula sa meat at fish section ng pamilihan.
Iminungkahi rin ng DTI at Kalibo Consumers Association na dapat taasan ng LGU ang multa sa mga nandarayang negosyante gamit ang sirang timbangan.
Napag-alaman na P250 lamang ang penalty na binabayaran ng mga negosyante sa oras na mahuli na gumagamit ng hindi na calibrate na timbangan.
Ang naturang hakbang ng ahensiya at LGU ay para maiwasan ang pandaraya ng mga negosyante sa mga mamimili.
Depektibong timbangan sa pamilihan kinumpiska
Facebook Comments