Deportation sa 25 Chinese POGO workers sa bansa, inihahanda na

25 pang Chinese national na iligal na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration.

Ilang araw ito matapos ang pauwiin sa kanilang bansa ang unang batch ng mga POGO worker.

Aminado naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na matagal ang proseso ng deportation dahil kinakailangan pa ng permit ng China para tanggapin ang mga kababayan nilang pinauuwi ng Pilipinas.


Samantala, nagpapatuloy pa ang pagtukoy ng mga awtoridad sa lahat ng 400 Chinese national na target mapauwi ng pamahalaan.

Facebook Comments