Pagpasok ng ‘Ber’ Months, sasalubungin ng Oil price rollback!

Sasalubungin ng karampot na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga motorista ngayong Setyembre.

Maglalaro sa P0.10 hanggang P0.20 ang tapyas sa kada Litro ng Diesel at Kerosene.

Posible namang walang galaw sa presyo ng Gasolina o hanggang P0.10 lang.


May namumuro ring rollback sa Liquified Petroleum Gas (LPG) ngayong araw.

Maglalaro sa P0.50 kada kilo o P5.50 kada tangke.

Ang bawas-presyo ay bunsod ng matumal na bentahan ng petrolyo nitong linggo dahil sa trade war ng Amerika at China.

Isa rin sa dahilan ang malaking imbentaryo ng langis ng US.

Facebook Comments