DFA Consular office sa NCR-South, pansamantalang isasara ngayong linggo

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pansamantala nilang isasara ang DFA Consular Office sa NCR-South simula sa Lunes, Pebrero 3, hanggang sa Biyernes, Pebrero 7.

Ang nasabing pansamantalang pagsasara sa consular office ay para magbigay daan sa pagbubukas ng bagong DFA Consular Office NCR-South sa Festival Mall Alabang sa Pebrero 10.

Ang bagong DFA Consular Office NCR-South ay matatagpuan sa 3rd floor ng East Wing, Festival Mall Alabang, Muntinlupa City, na magbubukas sa publiko simula sa Martes, Pebrero 11, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.


Para sa mga may urgent na pangangailangan sa DFA NCR-South sa linggong ito, maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email, ncrsouth.so@dfa.gov.ph

Facebook Comments