DFA, dismayado sa hindi pagtitiwala ng Timor Leste sa hustisya sa Pilipinas

Naglabas ng statement ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa pagkadismaya nila sa kawalan ng tiwala ng Timor Leste sa hustisya sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagharang ng Timor Leste sa pag-turn over nito sa Pilipinas kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr.

Ayon sa DFA, ang isang kasapi ng ASEAN ay hindi lamang dapat kumikilala sa framework ng asosasyon kundi ng maging bilateral relations ng kaalyadong bansa.


Si Teves ay nahaharap sa kasong 10 counts ng murder, 14 counts ng frustrated murder, at four counts ng attempted murder.

May kaugnayan ito sa pagkakapatay kay dating Governor Roel Degamo at iba pa noong 2023.

Facebook Comments