
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang humanitarian pardon na pinagkaloob ng United Arab Emirates (UAE) government sa 68 Filipino detainees sa UAE.
Kasabay ito ng selebrasyon ng Eid al-adha nitong Hunyo.
Ayon sa DFA, ang hakbang ng UAE ay patunay ng malakas na bilateral relations ng Pilipinas at ng United Arab Emirates.
Sinabi pa ng DFA na malaking regalo rin ito sa pamilya ng mga Pilipinong nabigyan ng pardon.
Facebook Comments









