DFA, nakapagtala ng 2 lamang na bagong COVID-19 case sa hanay ng mga Pinoy sa abroad

18

2 lamang ang naitala ngayong araw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Wala namang naitalang bagong recovery at isa ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 18,571 ang mga Pinoy na na-infect ng virus sa abroad.

6,043 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling habang 11,366 na ang kabuuang gumaling.

1,162 naman ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments