DIABETIC AT HYPERTENSIVE PATIENTS SA NATIVIDAD, HINIMOK SA LIBRENG LABORATORY SERVICES AT MAINTENANCE MEDICINES

Hinimok ang mga diabetic at hypertensive patients sa bayan ng Natividad na makibahagi sa libreng laboratory services at maintenance medicines na isasagawa sa Pebrero 12, bilang bahagi ng Non-Communicable Disease (NCD) Awareness Program ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa Municipal Health Office (MHO), layunin ng programa na matulungan ang mga residente na maagapan at mabantayan ang kanilang kalagayan upang maiwasan ang mas malubhang komplikasyon dulot ng non-communicable diseases.

Kasama rin sa aktibidad ang screening para sa mga itinuturing na high-risk individuals, kabilang ang mga overweight at obese.

Dagdag pa ng MHO, hindi na kinakailangang mag-fasting ang mga pasyente at kailangan lamang magdala ng kanilang maintenance card at isang valid ID para sa beripikasyon.

Sa pamamagitan ng programang ito, layon ng lokal na pamahalaan na mas mapagtuunan ng pansin ang kalusugan ng mga pasyente at mapalakas ang kamalayan ng komunidad sa wastong pangangalaga laban sa NCDs.

Facebook Comments