DILG, naniniwalang ‘prevention’ ang weakest link sa COVID-19 response

Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang kabiguan sa prevention ang dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Taliwas ito sa pahayag ni Tracing Czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang “weakest” point a COVID-19 response ng gobyerno ay ang contact tracing.

Ayon kay DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, hindi ang kakulangan sa contact tracing ang sanhi ng COVID-19 cases surge sa bansa.


“Ang tingin ko po ang pinaka-weakest link natin is ang ating prevention. Kaya nga po tayo nanghuhuli ng mga kababayan nating hindi sumusunod sa mga minimum health standards dahil andon po maraming violation,” sabi ni Malaya.

Iginiit din ni Malaya na maganda ang posisyon ng Pilipinas pagdating sa contact tracing.

“The DILG po is constantly improving and adding to the contact tracing capacity of our local government units. in fact, iyon pong mga bago nating contact tracers from DOLE, na pinupondohan ng DOLE which is 5,754, karamihan po nito ay natapos na ang training at naka-deploy na po sa iba’t ibang mga Local Government Units,” ani Malaya.

Facebook Comments