
Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang isang lalaki na kinilala bilang isang Department of Interior and Local Government (DILG) National Most Wanted Person sa isinagawang operasyon sa Rapu-rapu, Albay.
Ang suspek ay kinilalang si alyas Batista o Nonoy, 38-taong gulang.
Basehan ng nasabing operasyon ang isinilbing warrant of arrest ng Regional Trial Court (RTC) Branch 78 sa Malolos City, Bulacan noong Pebrero 6, 2019.
Ang nasabing akusado ay nahaharap sa kasong murder na may rekomendasyong no bail.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng Albay Police Provincial Office ang nasabing suspek, habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant nito sa nag-isyung korte.
Facebook Comments









