DILG, pinakakabitan ng CCTV ang mga pampublikong lugar

Oobligahin na ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang mga lokal na pamahalaan na magkabit ng Closed Circuit Television o CCTV sa matataong lugar.

Ito ay kasunod ng kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral na ikinasawi ng 23 katao.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat ituring ng mga lokal na pamahalaan maging ng mga pribadong establisyimento na basic project ang paglalagay ng CCTV.


Mababatid na ilang bayan pa lang at lungsod sa bansa ang may ordinansang nag-oobliga sa mga business establishment na maglagay ng CCTV.

Facebook Comments