Ilang detalye sa homecoming ni Catriona Gray, inilatag na

Inilatag na ang ilang detalye sa grand homecoming ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ngayong Pebrero.

Hinahanda na ang dalawang karosa, estatwa at pati ang isusuot niya sa grand parade.

Ayon sa Binibining Pilipinas charities, isang mahabang victory parade ang kanilang inihahanda sa Pasay, Makati at Maynila sa February 21.


Magkakaroon rin raw ng hiwalay na parada si Cat sa Quezon City at sa Albay.

Habang mayroong isasagawang star studded tribute para kay Cat sa The Big Dome sa February 24 na may titulong ‘Raise The Flag.’

Dalawang float naman ang inihahanda ng designer na si Fritz Silorio na siya ring gumawa ng karosa noon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nilinaw naman ng designer ni Cat na si Mak Tumang na hindi isusuot ng beauty queen ang kaniyang ginamit na national costume.

Maliban sa mga ito, inaayos na rin ang pagbisita ni Cat sa Tondo, Manila para sa kaniyang mga benipesaryo sa Young Focus Philippines.

Facebook Comments