Iminungkahi ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na huwag munang ipamahagi sa ilang 4Ps beneficiaries ang kanilang benepisyo sa ilalim ng Conditional Cash Transfer Program dahil bahagi lamang ng hakbangin ng gobyerno na higit na mapataas at mapalakas ang vaccination effort sa buong bansa.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kung pagbabasehan ang datos ng DSWD, lumalabas na aabot lamang sa 12% ng 4.4 million 4Ps beneficiaries nationwide ang nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Dagdag pa ni Año, sa kabila ito ng mas pinalakas at mas pinaigting na Inoculation program ng gobyerno at ng mga pribadong sektor sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Paliwanag ng kalihim, tanging hangad lamang nila sa panukalang ito na makamit ang 1 hanggang 1.5 million trabaho kada araw at hindi ang alisin sa listahan ng mga 4Ps beneficiaries ang mga benepisyaryo na hindi pa nagpapabakuna.
Giit pa ni Año na sa pamamagitan nito tiyak aniyang magkakaroon na ng herd immunity sa buong bansa bago matapos ang taon.