Dismissed Bamban Mayor Alice Guo at iba pang sangkot sa iligal na POGO, sasampahan ng reklamong money laundering sa DOJ

Nakatakdang sampahan ng reklamong money laundering si dismissed Bamban Mayor Alice Guo at iba pang mga personalidad na iniuugnay sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Mamayang hapon, inaasahang isasampa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang reklamo laban kay Mayor Guo, pamilya nito, at maging si Cassandra Li Ong.

Ayon sa AMLC, unang batch pa lamang ito ng money laundering cases na isasampa habang patuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang law enforcement agencies.


Nauugnay ang sinibak na alkalde sa iligal na pogo dahil sa mga dokumentong nakuha na lumalabas na tumulong siya sa pagproseso para makapag-operate ito.

Noong nakaraang buwan nang ipag-utos naman ng Court of Appeals (CA) ang pag-freeze sa bank accounts at assets ni Mayor Guo at ng ilan pang sangkot sa operasyon ng iligal na POGO.

Facebook Comments