Dispatcher patay matapos mabaril

Isa ang patay habang isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril kahapon 12:50 ng tanghali sa rajah tabunaway street o sa pantalan area sa barangay Poblacin singko cot.city.
Kinilala ang napatay na biktima nasi Daud Guialal 50 anyos, isang conductor at dispatcher na resident eng barangay Ganta sa mother Kabuntalan maguindanao..Siyay nagtamo ng tama ng bala sa ulo mula sa calibre 45 pistol na baril nagging sanhi ng kanyang kamatayan.. Nahagip naman ng bala ang may-ari ng pakainan nasi Kadiguia Abdul 50 anyos na nakatira sa Tukananes na tinamaan sa kaliwang kamay na patuloy na nagpapagaling sa CRMC.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1 ni PCI Reynaldo Delanten, nakaupo lamang ang biktima sa sa isang pakainan ng nilapitan ng dalawang suspect at doon ay walang kaabog-abog na binaril ang dispatcher…
Matapos ang insedente ay mabilis namang tumakas ang mga suspect patungo sa hindi napag alamang direction..Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang inbestigasyon ng kapulisan inaalam kung anu ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin.

Facebook Comments