Distribusyon ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa Quezon City, kinondena ng grupo ng mga manggagamot

Nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine Pharmacists Association (PPhA) kaugnay sa distribusyon ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa ginawang “Community Pan-three” ng dalawang kongresista sa mga residente ng Matandang Balara sa Quezon City.

Ayon kay PPhA President Gilda Saljay, hindi maituturing na ligtas ang ginagawang paraan sa pamimigay ng Ivermectin bilang panangga sa COVID-19.

Habang maituturing ding paglabag sa Republic Act 10918 o Philippine Pharmacy Act ang paglalabas ng mga prescription dahil oras na may maganap na hindi kanais-nais ay walang mapapanagot sa insidente.


Sa ngayon, hinimok ng Quezon City Health Department ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na maglabas ng malinaw na posisyon kaugnay sa Ivermectin.

Sa inilabas na statement ni QCHD OIC Esperanza Arias, kung mayroong ‘firm position’ ang dalawang ahensya ay makakatulong ito para malaman ang legality at efficacy ng nasabing gamot.

Wala namang ibinigay sa kanilang go-signal ang FDA para gamitin ang Ivermectin bilang prophylaxis o gamot laban sa COVID-19.

Facebook Comments