Distribution ng ayuda sa NCR, Laguna at Bataan, magpapatuloy kahit ibinaba na sa MECQ status ayon sa DILG

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda sa National Capital Region (NCR), Laguna, at Bataan kahit nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, hindi totoo na ititigil ang pamimigay ng ayuda sa NCR Plus dahil nagkaroon na ng pagbabago sa community quarantine.

Bagamat marami nang tao ang bumalik sa trabaho, ang ayuda ay commitment ng gobyerno at magpapatuloy na ipamahagi ito.


Binatikos ni Malaya, ang mga nagkakalat ng fake news sa social media.

Paliwanag ni Malaya na maayos aniya ang distribusyon ng tulong pinansiyal sa NCR area at kabuuang P8.4-billion na ang naipamahagi hanggang Agosto 21 sa may 8.4-million benepisyaryo.

Facebook Comments