DND, nakikiisa sa paggunita ng Bonifacio Day

Nakikiisa ang Department of National Defense (DND) sa buong sa bansa sa paggunita sa kapanganakan ng bayaning si Gat. Andres Bonifacio.

Ayon kay DND Officer in Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr., ehemplo ng dedikasyon sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa si Bonifacio.

Sinabi pa nito na kahit mahigit isang siglo na ang nakalipas mula nang si Bonifacio ay pumanaw ay sariwa pa rin sa kaisipan ng mga Pilipino ang walang kapantay na patriotism o pagkamakabayan ng tinaguriang Ama ng Katipunan.


Giit pa nito, angkop ang tema ng selebrasyon sa taong ito na, “Bonifacio 2022: Kabayanihan at Pagtindig sa Makabagong Panahon,” sa pagharap sa mga bagong hamon sa pagtataguyod ng kapayapaan at stabilidad.

Kasunod nito, nanawagan si Faustino na magkaisa at isabuhay ang kabayanihang ipinamalas ni Gat. Andres Bonifacio.

Facebook Comments