Doble pasahe sa mga tricycle sa bayan ng Kalibo isinulong

Kalibo, Aklan— Isinulong ng mga grupo ng tricycle operators at driver’s association ang dobleng singil sa pamasahe sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ngayong GCQ.
Isinumite ang naturang petition sa SB noong Mayo 22, 2020 na naglalayong magkaroon ng provisional increase sa pamasahe sa tricycle para mapunan ang lugi ng mga ito ngayong COVID19 pandemic.
Ayon kay Mr. Johnny Damian ng Federation of Kalibo Tricycle Operators and Drivers Association, Inc. o (FOKTODAI) na humihiling sila sa konseho na mapahintulutang maningil ng doble sa kanilang pasahero.
Dagdag pa nito na malaki umano ang kabawasan sa kanilang kinikita kada araw bunsod ng physical distancing sa pampublikong sasakyan.
Marami rin umano sa kanilang mga kasamahan ang napilitang huminto muna sa pagpapasada dahil sa liit ng kinikita habang ang iba naman ay nagbebenta muna ng mga isda, gulay at iba pang pwedeng mapagkakakitaan.
Base sa guidelines ang nga tricycle ay pinahihintulutan lamang na magsakay ng dalawang pasahero.
Ang pamasahe sa tricycle sa Brgy. Poblacion ay nagkakahalaga ng P9 kung saan sa oras na maaprubahan ng Sangguniang Bayan ay magiging P18 na ito.
Magiging doble narin ang sinngil sa ibang mga ruta sa bawat barangay sa buong bayan base sa naturang petition.
Nanindigan din ang FOKTODAI na naiintindihan nila ang saluobin ng mga commuters at handa namang tanggapin ang magiging hakbang ng LGU.
Sa ngayon naghihintay na lamang umano sila na ipatawag ng SB para mapag-usapan ang kanilang petition.

Facebook Comments