Tuesday, March 10, 2026

DOE, aminadong blangko kung hanggang kailan ang pagtaas sa presyo ng langis

“Only God knows!”

Yan ang naging tugon ni Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin sa katanungan hinggil sa kung hanggang kailan magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng langis.

Sinabi ni Garin na maging sila sa DOE ay hindi nila alam kung hanggang kailan ang serye ng oil price hike.

Ayon kay Garin, hangga’t hindi humuhupa ang giyera sa Gitnang Silangan ay walang katiyakan ang paggalaw ng presyo ng langis.

Sa kabila nito, tiniyak ng DOE na may sapat na supply ng langis sa bansa hanggang sa katapusan ng Abril.

Bunga nito, hindi aniya dapat mag-panic ang publiko lalo na’t nakabantay anila sila sa mga posibleng nagho-hoard sa langis.

Facebook Comments