Malaki ang pasalamat ni DOH-ARMM Sec.Dr.Kadil Sinolinding na hindi nabigyan ng dengue vaccine ang DOH-ARMM na ipinamudmud noong dengue immunization sa mga estudyante ng DepEd ni dating DOH Sec.Garin na umani ngayon ng controversial makaraang pinahinto ni Sec.Duque ang vaccination dahil sa masamang epekto sa kalusugan ng naturukan.
Sa panayam ng RMN DXMY kay Dr.Sinolinding, sinabi nito yung pormal na prosesa lamang ang kanilang ginawa sa pagkontra sa sakit ng dengue ang 4S at 4 o clock habit, at hindi ang dengue vaccine..Anya bibigyan sana sila noon ng dengue vaccine subalit itoy hinindian ni Sinilinding dahil na trial stage pa ang vaccine.
Samantala Bumaba naman ng 26% ang kaso ng dengue sa rehiyon ng ARMM nitong taong kasalukuyan, Ito ang ibinalita ni DOH ARMM Sec.Sinolinding…Anya ang pagbaba ng dengue cases sa ARM ay dahil sa pinalakas na kampanya ng kagawaran sa 4’s at pakipagtulungan ng mga residente sa pagpuksa sa mga bahay ng lamok na nagtataglay ng dengue…Kayat pinasalamatan nito ang kanyang mga IPHO sa pagbaba ng kaso ng dengue.
DOH ARMM hindi nabigyan ng Dengvaxia vaccine
Facebook Comments