DOH at DPWH, magtatayo ng karagdagang modular hospitals

Target ng Department of Health (DOH) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo pa ng mga modular hospitals sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, lima pang modular hospitals sa National Capital Region (NCR), Batangas at Davao City ang ipapatayo sa darating na Hunyo.

Nakatakda ring magbukas aniya ang mahigit anim na Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) at isolation facilities na may kasama ng 1,700 beds sa NCR at mga karatig lalawigan.


Tiniyak rin ni Duque na asahan na rin ang mas marami pang mga healthcare worker ang ire-redeploy sa NCR, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

Facebook Comments