Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mild cases lamang ang karamihan sa mga kaso ng mga bagong subvariant ng Omicron sa bansa.
Ang kumpirmasyon ng DOH ay matapos madagdagan pa ng lima ang mga kaso ng Omicron subvariant na BA.2.12.1 na natukoy sa Western Visayas Region.
Kabilang sa mga ito ang tatlong Retuning Overseas Filipinos (ROF) na galing Amerika na pawang mga fully vaccinated laban sa COVID-19 at dalawang local cases na fully vaccinated din.
Sa ngayon, 22 na ang kaso ng BA.2.12.1 sa bansa kabilang ang 18 locally acquired at 4 ROFs na nasa Western Visayas.
Naitala rin ang isa pang kaso ng Omicron subvariant na BA.4 kung saan ang mga pasyente ay hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Gayunman, sila ay asymptomatic at itinuturing na gumaling na matapos makumpleto ang kanilang quarantine.