Tiniyak ng Department of Health (DOH) na bukas 24/7 ang ilang local emergency operations center at patient navigation referral units ng DOH.
Ito ay para sa mga lugar na mangangailangan pa ng karagdagang tulong matapos ang paghagupit ng Bagyong Kristine.
Hinihimok naman ng DOH ang mga lumusong sa baha na agad na magpakonsulta sa doktor para matingnan ang risk factors na magiging basehan sa pagbibigay ng gamot.
Sa mga hindi naman agad makapupunta sa health centers, maaari anila silang tumawag sa Telekonsulta hotline para magpakonsulta at makakuha ng gabay sa mga dapat gawin upang makaiwas sa sakit.
Ayon naman kay Dr. Reynaldo Salinel, Chairman ng Public Health Unit ng Ospital ng Maynila, libreng makukuha sa local government units ang mga gamot para maagapan ang posibleng pinsala sa kalusugan dulot ng paglusong sa baha.
Ang dosage aniya ng gamot ay depende rin sa presensya o dami ng sugat.