Sunday, March 1, 2026

DOH, muling makikipag-ugnayan sa DMW para sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga OFW na apektado ng tensyon sa Iran at Israel

Inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na makikipag-ugnayan ang kanilang ahensya sa Department of Migrant Workers (DMW) para sa pagbibigay ng medical service sa mga OFW na apektado nang nangyayaring tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa ambush interview, sinabi ng kalihim na muli silang magsasagawa ng mental health consultation via telemedicine na kanila nang unang ginawa noong bombahin ng Iran ang Israel.

Samantala, binigyang-diin ni Herbosa na mahalagang maprotektahan ang buhay ng mga bawat Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa naturang rehiyon.

Sa huli, nagpaalala si Herbosa sa mga Pilipino sa Middle East na sumunod sa abiso ng mga bansa at manatili sa kanilang mga tahanan.

Facebook Comments