DOH, muling nakapagtala ng malaking bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

52

Umaabot na ngayon sa 342,816 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,564 na bagong kaso.

Ang active cases naman ay 43,332.

150 naman ang bagong gumaling sa bansa sa COVID-19 kaya ang total recoveries na ay 293,152.

Habang 11 ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 6,332.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 213 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.

Bunga nito, ang total cases na ay 11,082.




Ang active cases naman ay 3,144.

Samantala, 217 na mga Pinoy naman sa abroad ang bagong gumaling sa COVID-19 kaya ang total recoveries na ay 7,136.

Isa naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total fatalities na ay 802.

Facebook Comments