DOH, nagpaalala sa inbound travel restrictions hinggil sa bagong eArrival card

Nagpaalala ang Department of Health (DPH) na epektibo na sa November 1 ang bagong eArrival Card na kapalit ng One Health Pass.

Nangangahulugan ito na ang international travelers na papasok sa bansa ay kailangang mag-register para sa eArrival Card 72 oras bago ang kanilang departure patungo ng Pilipinas.

Ito ay via onehealthpass.com.ph o sa pamamagitan ng pag-scan sa blue code sa taas nito.


Ayon sa DOH, mas madali mag-register sa eArrival card kumpara sa dating One Health Pass.

Umani naman ito ng batikos sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at Filipino community sa iba’t ibang bansa dahil wala naman anila itong pinagkaiba sa One Health Pass.

Kaugnay nito, muling nanawagan sa gobyerno ng Pilipinas ang mga Pinoy sa abroad na ibasura na ang naturang sistema dahil ito anila ang nagtataboy sa mga dayuhang turista na nagbabalak sanang magtungo sa bansa.

Facebook Comments