DOH, nakapagtala lamang ng mababang bilang ng recoveries sa hanay ng COVID-19 patients sa bansa

64

165 lamang ang naitala ng Department of Health (DOH) na bagong bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Sa kabilang dako, 3,446 naman ang mga bagong kaso kaya ang total cases ng COVID-19 sa bansa ay 220,819.

Sa naturang bilang, 59,699 ang active cases.

Ang total recoveries naman ngayon ay 157,562 habang ang total deaths ay 3,558 matapos madagdagan ng 38 na panibagong binawian ng buhay.

Samantala, magandang balita pa rin sa hanay ng mga Pilipino sa abroad dahil isang linggo nang walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 755.

Magandang balita pa rin dahil isa lamang ang panibagong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy sa ibayong dagat.




Sa ngayon, ang total cases ay nasa 10,070 at ang active cases ay 3,188.

3 namang Pinoy ang bagong naka-recover sa nasabing sakit kaya ang total recoveries ngayon ay 6,127.

Facebook Comments