DOH, nakapagtala ng maliit lamang na bilang ng COVID recoveries; DFA, walang naitalang recoveries at fatalities sa hanay ng mga Pinoy sa abroad

48

135 lamang ang bagong recoveries na naitala ng Department of Health (DOH) sa hanay ng COVID patients sa bansa.

Ang total recoveries na ngayon ay 386,604 o 91.9%.


Ang bagong kaso naman ay 1,799 kaya ang total cases na ay 420,614.

Ang aktibong kaso naman ay 25,837 o 6.1%.

Habang 50 ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 8,173 o 1.94%.

Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong recoveries at bagong binawian ng buhay sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.




Bunga nito, ang total recoveries ay nananatili sa 7,478 habang ang total deaths ay nananatili sa 834.

Isa naman ang bagong kaso kaya ang total cases na sa hanay ng overseas Filipino ay 11,560.

Ang active cases naman ay 3,248.

Facebook Comments